Van sumalpok sa trak, driver napugutan ng ulo

HUMIWALAY ang ulo sa katawan ng 32-anyos na driver ng L-300 van nang sumalpok ang kanyang minamanehong sasakyan sa likurang bahagi ng isang trailer truck na biglang huminto sa kahabaan ng C-5 Road kaninang madaling-araw sa Taguig City.

Dead on the spot si Rolly Cerenio,  ng C. Reymundo Avenue, Maybunga, Pasig City matapos humiwalay ang kanyang ulo sa katawan sanhi ng malakas na pagsalpok ng minamanehong van (RJN 631) sa likurang bahagi ng trailer truck (ZCT 668)  na minamaneho ng isang Alexander Aguilar, 49, ng B. Mayor St., Bustos, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jeffrey Sagaran ng Taguig Traffic Enforcement Unit, mabilis na tinatahak ng biktima ang southbound lane ng C-5 Road alas-4:30 ng madaling-araw nang bigla na lamang huminto ang sinusundan niyang trailer truck ng wala man lamang babala pagsapit sa Brgy. Western Bicutan.

Hindi umano napuna ng biktima ang biglang paghinto ng truck na nasa inner lane o linya para sa mabibilis na sasakyan kaya hindi na nito nagawang makapag-preno ng kanyang sasakyan na naging dahilan ng agad niyang kamatayan.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide si Santos sa Taguig City Prosecutors Office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply