Veterans Hospital handa na sa paglipat ni GMA

HANDANG-HANDA na ang presidential suite ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City na tutuluyan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo.

Maagang nagtungo kaninang umaga si Robredo sa VMMC premises at nagustuhan ang suite na inilaan para kay Ginang Arroyo na tila isang malaking “hotel room.”

Aniya magiging komportable ang dating lider ng Pilipinas sa kanyang pansamantalang tutuluyan.

“We hope the renovation work on the suite will be finished by Sunday,” pahayag ni Robredo.

Nitong nakaraang Huwebes lamang, iniutos ng Pasay City court ang paglipat ni Gng. Arroyo mula sa St Luke’s Medical Center (SLMC) sa Taguig sa VMMC sa loob ng 5 araw.

Nananatili si Mrs. Arroyo sa SLMC simula pa noong Nobyembre 15 matapos itong hindi payagan na makaalis ng bansa.

Si Arroyo ay inaresto noong Nobyembre 18 dahil sa kasong electoral sabotage.

Nagtungo si Robredo sa VMMC premises bago mas alas-7:00 kaninang umaga at sinundan ito ng isang komperensiya para talakayin ang security arrangements para sa paglipat ni Gng. Arroyo sa VMMC mula sa SLMC.

Mismong ang kaparehong kuwarto ang ookupahin ni Gng. Arroyo na inokupa ng kanyang immediate predecessor, na si Joseph Estrada, nang ito rin ay isinailalim sa hospital arrest.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply