Vice Ganda personal na tinawagan si Ogie Diaz noong Pasko

KLARUNG-KLARO ang statement ni Vice Ganda sa one on one interview ni Kuya Boy Abunda sa kanya sa The Buzz na ipalalabas bukas tungkol sa relasyon nila ngayon ng dating manager na si Ogie Diaz kung saan okey raw sila nito. Sa katunayan, sa mga kaibigan nito sa showbiz, tanging si Ogie lang ang personal nitong tinawagan para batiin ng Merry Christmas. The rest, even his friendship Kris Aquino ay tinext lang ng sikat na comedian/TV host. Say pa ni Vice, malaki ang nagawa ni Ogie at nabago ang buhay niya dahil dito kaya’t tinatanawan niya ito ng utang na loob kahit na nandiyan na ang bagong nagha-handle ng kanyang TV career na si Sir Deo Edrinal. So, roon sa mga mang-iintriga pa sa dalawa, (Vice at Ogie) tigilan nyo na ‘yan dahil di nyo sila kayang wasakin ng intriga. Isa pa palang issue na binigyang linaw ni Vice ay ang tungkol sa gap nila ng comedy Concert and Box Office Queen na si Ai-Ai delas Alas kung saan nasulat pa nga siya sa Philippine Star sa kolum ni Tito Ricky Lo na noong magkita sila ni Ms. Ai sa Manila Hotel ay inisnab niya ito at ngayon ay pinararatangan siyang bastos.

“Hindi ako pinalaki ng mga parents ko para mambastos ng tao. Napalaki naman nila ako ng tama. Totoo ‘yung mga nasulat na hindi kami nagpasinsan ni Ms. Ai. Nakita ko siya hindi ko at hindi pinansin pero hindi ibig sabihin nito ay binastos ko na siya. Ina-acknowledge ko na may problema sa pagitan namin ni Ai-Ai at may mga pinagdaraanan kami nito ngayon.

“Pero sa takdang panahon ay baka maayos rin naman ang lahat ng ito. Hindi ko pwedeng bastusin si Ms. Ai dahil icon na siya sa larangan ng komedya kung nangyayari man ang ganito ay may dahilan. Kaya roon sa mga nangingialam, sana tigilan nyo na dahil wala naman kayong alam sa mga nangyayari sa amin,” paglilinaw pa ni Vice na ngayong 2012 ay lalo pang bomobongga ang career.

May malaking pelikula siyang nakatakdang gawin sa Viva at Star Cinema at may solo big concert uli siya sa Smart Araneta Coliseum. Siyempre tuluy-tuloy pa rin si Vice sa kanyang top-rating daily morning show na Showtime at week-end musical comedy show na Gandang Gabi Vice na parehong napanonood sa Channel 2. May album rin pa lang gagawin ito pagpasok ng bagong taon. Winner na winner gyud ang alaga mo Sir Deo.

***

Award-winning ‘Parol’ episode ng Maalala Mo Kaya muling mapanonood bukas ng gabi

IPALALABAS muli bukas ng gabi ang award-winning ‘Parol’ episode ng Maalaala Mo Kaya na tinatampukan nina Enchong Dee at Helen Gamboa. Sa husay ng kanilang pagganap, kapwa pinarangalan ngayong taon sa dalawang magkaibang award-giving bodies ang mga bida– si Enchong, ginawaran ng PMPC Star Awards for TV ng Best Single Performance by an Actor, samantalang nakamit naman ni Helen ang Best Single Performance by an Actress mula sa 8th Golden Screen TV Awards.

Muling kilalanin ngayong Sabado si Toto (Enchong), isang huwarang anak na bagama’t may kapansanan sa paningin ay nagawang imulat ang buo niyang pamilya sa tunay na halaga ng pakikipaglaban sa buhay. Kasama nina Enchong at Helen sa Parol episode sina Nanding Josef, Philip Nolasco, Boboy Garovillo, Kenjie Garcia, Dominic Ochoa, Daisy Reyes, Ina Fileo, Cherry Lou, Angeline Urquico, Neri Naig, Jommy Teotico, Jerome Ventilla, at Gigi Posadas. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alora Ramos, panulat ni Maan Dimaculangan, at direksyon ni Dado Lumibao. Huwag palampasin ang patuloy na pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng longest-running drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya (MMK), tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng Junior Master Chef Pinoy Edition.

Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang@MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.faceboook.com/MMKOfficial.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply