Vice mayor na binaril sa MOA namatay na

HINDI na nakayanan ni Talisay, Batangas Vice Mayor Florencio Manintim, Jr. ang mga tama ng bala sa likuran na naging dahilan ng kanyang pagkamatay kaninang madaling-araw sa San Juan de Dios Hospital.

Pumanaw na kaninang alas-3:00 ng madaling-araw si Manimtim na pinagbabaril habang papasok sa SM Mall of Asia noong Huwebes (Disyembre 15).

Namatay habang nasa intensive care unit (ICU) ng San Juan de Dios Memorial Hospital si Manimtim na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa likod.

Ito ang ikalawang pagtatangka sa buhay ni Manimtim na pinagbabaril din noong Agosto 2010 habang inililibing ang kanyang ama. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply