Vilma Santos ipantatapat kay Sharon Cuneta

ISA sa proyektong nakatakdang gawin diumano ng Megastar na si Sharon Cuneta sa kanyang bagong mother network ang Kapatid Station TV5, ay isang weekly talk show. At tsikang alam daw ito ng pamunuan ng dating mother studio ng Megastar, ang Kapamilya Network, kung kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na rin nila ang magiging pantapat sa naturang show ni Mega. May nagtsikang sa ngayon pa lang daw ay niluluto na ang isang talk show na gustung-gustong gawin ng Star for All Season Vilma Santos. Isa itong talk show na tatalakay sa lahat ng isyu ng buhay, at kasama pa ang anak na si Luis Manzano.

O, di ba? Tapatang Vilma Santos at Sharon Cuneta. At nang makarating naman ito sa kaalaman ng Star for All Season, napangiti ito sabay sabing wala naman daw masama kung sakaling magkatapatan ang show ng dalawang artista, magkaibigan man o hindi. Trabaho raw kasi ito, walang personalan. At sa personal na palagay pa rin ng gobernadora ng Batangas Province, hindi na ito maiiwasan at talagang nangyayari. Basta ang mahalaga, nakikinabang ang viewing public at friendly competition lang ito.

***

HALATANG-HALATA pa rin sa aura ng bagong kasal na si Jolina Magdangal na ngayon ay isa nang Mrs. Mark Escueta, ang labis na kaligayahan nang maging isang misis. Halos hindi pa rin daw nagsi-sink in sa kanya na habang buhay na pala niyang makakasama ang lalakeng labis na minahal. Say pa nga ni Jolina ay parang dream come true raw sa kanya ang kanilang pagpapakasal kung kaya ganun na lang daw ang labis na kaligayahang kanyang nadarama. Nang matanong naman si Jolina kung ready na rin siyang magkaroon ng ‘little Jolina” o ‘little Mark’, ay tila naudlot ang kanyang pagsagot sabay sabing sa ngayon kasi ay mas feel niya na siya muna ang ‘baby’ ng kanyang mister.

As in, feel ni Jolina na namnamin muna ang pagsasama nilang dalawa bago pa man magkaroon ng bagong dagdag sa kanilang dalawa. Say pa rin ng aktres, hindi naman daw sila nagpaplano ni Mark kung kailan siya magbubuntis.

Kung darating daw ang bagong blessings sa buhay nilang mag-asawa ay buong puso nila itong tatanggapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply