Viloria kakasa kay Marquez, Calderon

HINDI aatrasan ni WBO flyweight champion Brian Viloria ang isang unification title fight na inaalok sa kanya ng kampo ni Mexican WBA champion Hernan Marquez.

Ayon kay Viloria, na okey sa kanya maski sina kina Marquez at WBC champion Pongsaklek Wonjongkam ng Thailand ang kanyang sasagupain sa Marso sa susunod na taon.

Ani Viloria, wala naman siyang ibang gusto kundi ang isang unification.

Bukod kina Marquez at Wonjongkam, nais din umanong harapin ni Viloria si Ivan Calderon na dalawang beses nang natalo ni Giovanni Segura.

Matatandaang pinasuko ni Viloria sa pamamagitan ng 8th round TKO sa isang mandatory defense si Segura, dating light flyweight champion at Ring Magazine’s No. 9 sa pound for pound rankings.

Si Pongsaklek ay kaliweteng may record na 83-3-1 na mayroong 44 knockouts kung saan isa sa mga naging biktima niya si Malcolm Tunacao noong March 2, 2001 na inagawan niya ng korona via 1st round TKO.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply