Viloria kampeon pa rin

WAGI at matagumpay na naidepensa ni Brian “The Hawaiian Punch” Viloria ang kanyang WBO flyweight champion laban kay dating light flyweight champion Gionavanni Segura.

Sa harap ng kanyang mga kababayang tumutok sa kanyang unang title defense fight na ginanap sa Ynares Gym, sa Antipolo City, kaninang hapon, binugbog nang husto ni Viloria ang kalaban.

Sa tindi pa ng ng mga suntok na tinamo ni Segura, nagmistulang  may isa pang maliit na ulo ang umubsong sa kaliwang parte ng ulo nito na palaging tinamaaan ng kaliwang suntok ni Vilorial.

Kaliwa’t kanang hook ang binitawan ni Viloria at pagdating 8th round ay itinigil na ni referee Samuel Viruet ang laban at idineklarang panalo ang Narvacan, Ilocos Sur native boxer sa pamamagitan ng technical knockout (TKO).

Una rito, sinabi ng 30-anyos na boksingero na malaking karangalan sa kanya na mapanatili ang championship belt upang

mapahanay sa apat na reigning Filipino boxing champions na sina Pinoy ring icon Manny Pacquiao, WBO at IBA Women’s Bantamweight

champion Ana “The Hurricane” Julaton, at WBO Light Flyweight Champion Donnie Nietes na nanalo pa lamang nitong mga nakaraang buwan.

Dahil sa panalo ni Viloria ang ring record nito ay umakyat na sa 30-3-0, na 16 dito napanalunan niya via knock out (KO).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply