Virginity tests sa military prisons bawal na

CAIRO – Ipinagbabawal na ng korte sa Egypt ang pagkakasa ng virginity tests sa mga babaeng bilanggo sa military prisons.

Ang desisyon ay pinairal kasunod ng pagprotesta ng isang nagngangalang Samira Ibrahim na nagsabi na sapilitan siyang isinailalim sa virginity test ng isang Egyptian soldier matapos maaresto noong kasagsagan ng kaguluhan sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Hosni Mubarak.

Para sa Human rights organizations, ang ganitong gawain ng Egyptian military ay bilang parusa sa mga bilanggo pero isa itong uri ng pag-abuso.

“The court orders that the execution of the procedure of virginity tests on girls inside military prisons be stopped,” wika pa ni judge Aly Fekry.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply