VMMC inulan ng protesta kahit wala pa si GMA

HINDI pa man naililipat si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ay sinalubong na agad nang mainit na protesta kaninang umaga ang Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Napigilan naman agad at naitaboy ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang may 20 hanggang 30 militant group na makapasok sa loob mismo ng compound ng VCMM.

Gayunman, nagbabala naman agad ang militanteng grupo nang walang tigil na pag-aaklas dahil ang nais nila ay makulong ang dating Pangulo sa isang regular na detention cell at hindi sa isang ospital lamang.

Sa nasabi ring pag-aaklas, ipinanawagan din ng mga militanteng grupo ang pagpapatigil ng demolisyon sa mga kabahayan ng urban poor groups.

Kaugnay nito, hindi pa maililipat si Ginang Arroyo sa VMMC dahil sa hindi umano natapos ang pag-aayos ng presidential suite na tutuluyan niya at sa pagpayag ng korte ng manatili sa St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa taguig City hanggang sa Biyernes (Disyembre 9).

Nitong nakaraang linggo lamang, iniutos ng Pasay City court ang pagpapalipat kay Ginang Arroyo sa VMMC mula sa SLMC na pinagratayan nito simula pa noong Nobyembre 15.

Si Gng. Arroyo, ay nahaharap sa kasong electoral sa Pasay Regional Trial Court 112.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply