Waepek ang CCT ni Dinky

ILANG milyon na bang isang kahig, isang tuka ang naIsalba ni Inday Dinky ng social welfare?

Nagtatanong tayo, Suki, dahil waepek naman yata ang programa nito laban sa gutom ng nasabing mga mahihirap?

Nitong pinakahuling Pulse Asia sarbey kasi, ang mga beri pur pa ang pinanggalingan ng pagdayb ng grado ni PNoy sa rating nito sa disap-rubal at distras.

Hindi gaanong kumbinsido ang mga beri pur sa pinaggagawa ni PNoy laban sa korapsyon at lalong hindi sila kumbinsido sa pakikipaglaban nito sa gutom.

‘Di ba nagbubuhos si Dinky ng P23 bilyon ngayon para sa mga beri pur sa programang Conditional Cash Transfer at balak pang magbuhos ng P39 bilyong CCT para sa susunod na taon?

Eh ano ang nangyayari at ang mga beri pur pa na benepisyaryo ng CCT ang nagrereklamo
sa kapalpakan ni PNoy laban sa gutom at kahirapan?

oOo

Naalaala tuloy natin, Suki, ang mga naglalabasang balita ukol sa CCT.

Kamakailan lang, eh, may natsismis na bigayan ng CCT sa malapit mismo sa sentral opis ni Inday Dinky sa Batasan, Quezon City pero nagkaroon ng dagdag-bawas.

Napakarami naman sa mga lalawigan, munisipyo at barangay ang may hokus-pokus sa bigayan ng CCT.

Maraming nagpapalista na benepisyaryo ng CCT pero mga bata, botante at kamag-anak pala nina gob, meyor at kapitan.

Ngayon naman, lumabas ang ulat mismo ng Commission on Audit na nagsasabing maraming benepisyaryo ang may kakayahan sa buhay at nawawala sa listahan ang mga tunay na mahihirap.

At dahil sa mga ito, kinadyot ni Inday Miriam si Inday Dinky sa Commission on Appointments.

Hindi nga naman pupuwedeng maging sekretari ng tinatawag na SWA si Dinky hangga’t ‘di malilinawan ang CCT na yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply