Wala man lang remorse sa parte ni Piolo sa mga nangyari sa kanila ni KC

PINAG-UUSAPAN pa rin hanggang ngayon ang hiwalayang KC Concepcion at Piolo Pascual. Nagbigay na ng kanyang explosive interview si KC sa The Buzz kung saan namugto ang mga mata ng aktres sa kakaiyak habang kinakausap ni Boy Abunda. Dumating na rin si Piolo mula sa Japan at kalmadong-kalmado niyang sinagot ang media na sumalubong sa kanya tungkol sa isyu. Nag-apologize siya sa public for the break-up at hindi niya dini-discount ang possibility na magkaroon pa ng second chance ang relasyon niya with KC.

Marami ang nagtatanong, bakit sa public nag-a-apologize si Piolo? Marami rin ang naka-observe sa airport na parang wala man lang nangyari kung babasahin mo ang mga galaw ng aktor.

Naalala naming bigla ang ilan sa sinabi ni KC sa The Buzz, and we quote, “Ako naiiyak na ako (sa nangyari sa amin). Siya parang natatawa lang, pag nakikita ko siyang ini-interview. Dinadaan lang niya sa joke. Parang sa huli, nag-iisa lang ako dito,” ani ni KC.

Hindi ba talaga nakikitaan ng remorse si Piolo sa nangyari sa kanila ni KC? Tanging si Piolo lang ang makasasagot nito.

Tanging ang aktor lang ang nakakaalam kung ano ang umiikot ngayon sa kanyang isipan. One thing is for sure, tatagal pa ang isyu na ito dahil parehong high profile sina KC at Piolo. Lahat din ay nag-aabang sa sasabihin ni Sharon Cuneta tungkol sa break-up!

***

MISMONG si Ryan Agoncillo ang nagsabing silang dalawa ni Judy Ann Santos ang lumalabas na underdog sa darating na MMFF 2011. Kasi naman makikipagsagupaan sila sa mga higanteng entries nina Bong Revilla, Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Pero kung matatandaan natin nalampasan ng “Kasal, Kasali, Kasalo,” first team-up nilang mag-asawa, ang Enteng Kabisote noon ni Vic Sotto three years ago, due primarily through word of mouth. Kaya para sa amin malakas pa rin ang hatak ng kanilang “My Househusband: Ikaw Na!” under Octoarts Films kasi may loyal following na sila. Added bonus pa na kasama nila si Eugene Domingo sa movie na malakas rin ang hatak sa tao!

***

PINAGKUKUMPARA ngayon ng mga tao sina Jericho Rosales ay Sam Milby dahil sa kagustuhan ng dalawang aktor na ma-penetrate ang Hollywood.

Pero mukhang mas pursidido si Sam dahil isinakripisyo nito ang teleseryeng gagawin niya sana with Gretchen Barretto, KC Concepcion at Angelica Panganiban na “Alta” para lumipad na sa States.

Jericho however decided to stay in the country pagkatapos ng pag-aaral niya ng acting course sa New York Film Academy. He’s now doing the soap, “Padre De Familia” with Piolo Pascual. At nakatakda rin siyang gumawa ng isang indie film titled “Alagwa” kung saan co-producer siya ngayong January. May gagawin rin siyang 3 movies under Star Cinema. Busy rin siya sa promo ng kanyang bagong endorsement na Vantage Ace2 Razors!

“I’m happy for Sam! Balang araw, pupunta rin ako sa Hollywood to fulfil my dreams of making it sa States. Gusto ko ring maipagmalaki ako ng mga Pilipino!” pahayag ni Jericho.

***

WE WOULD like to congratulate Bubble Gang for winning the Best Gag Show award sa nakaraang Golden Screen Awards ng Enpress. Also for Ogie Alcasid for winning the Best Comedy Actor! Iba na talaga ang orig!

Sina Lovi Poe at Jacky Woo ang special guests sa Bubble Gang ngayong Friday. Kasama sila sa Bride Sa Ulan gags at Shakeys commercial spoof. Makakagat ng ibon si Bureche at may panibagong misadventure na naman si James Wang.

Alamin kung bakit Sinasaktan Ang Sarili kung nakakakita ng babae at ano ang Gay Fix? Kakantahin ni Moymoy Palaboy ang Ipagpatawad Mo at kilalanin ang Marriage Councelor at bakit Dramang-Drama ito. Siyempre nandyan ang Pick-Up Lines na inaabangan ng lahat ng bagets!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply