Walang patawad kung mangotong sa mga jeep

ISANG miyembro raw ng Mantika Toyo Patis at Bawang (MTPB) na ang pangalan ay PACHECO ang grabe kung mangotong sa mga pampasaherong jeep na may biyaheng Gasak, Navotas, Malanday via

MCU,  Malinta malapit sa Isetan sa C.M. Recto, Sta. Cruz, Manila.

Sa sakop ni Brgy. 310 Chairwoman Thelma Lim ang lugar na kung saan ay makikitang naka-duty si PACHECO.

Malakas ang loob ni PACHECO dahil ang balita ko (hindi ko lang alam kung totoo ito) na 50/50 sila ni Kapitana Lim sa hatian.

Ibang klase kung mangotong daw itong si PACHECO, kinakalampag niya ang mga kinokotongan niyang mga bumibiyaheng jeep.

Maging ang mga barangay tado, este, tanod dito ay matitigas ang mga pagmumukha kaya sobrang trapik dito dahil pati mismo sila ay nakasahod sa mga bumibiyaheng jeep.

Kaya sobrang trapik kung mapaparaan kayo sa lugar na yan dahil sa sangkatutak na mangongotong.

BOKAL TERI  ONOR, AYAW MAGBAYAD

Uy, naku ito palang si Bataan Bokal Teri Onor o Dexter Dominguez sa tunay na buhay ay baka makulong sa kasong pangungutang.

Kung matatandaan ninyo si Teri Onor, ito ‘yung artistang komedyante na gumagaya kay Nora Aunor.

Alam ba ninyo, ang laki pala ng pagkakautang ng bokal na ito sa negosyanteng si Renato Mariano.

Napakabalasubas pala ang bokal na ito na nangungutang, hindi naman pala marunong magbayad!

PROSTITUSYON SA 808 DISCO, GRABEEE…

Bukod sa talamak na iligal na pasugalan sa Dagupan City,

Pangasinan ay grabe rin ang prostitusyon sa 808 Disco.

Halos parang kendi na iniaalok ng mga kababaihan sa 808 Disco ang kanilang mga katawan sa kanilang mga kostumer.

Murang-mura lang.

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply