Walang special session para sa impeachment

IPINAHAYAG ni Senate President Juan Ponce Enrile na hanggang sa Miyerkules (Disyembre 14) na lang ang session ng Senado kaya pagbabalik na ng regular session sa Enero nila maaaksyunan ang impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Enrile inaasahan na ang pag-transmit sa Senado ng Articles of Impeachment laban kay Corona para maaksyunan ang naturang usapin.

Sinabi pa ni Enrile na ang special session ay kadalasang isinasagawa lamang kapag may mga panukala na kailangang maipasa agad.

Duda rin si Enrile na magpapatawag si Pangulong Benigno Aquino III ng special session para sa impeachment kay Corona.

Sa botong 188, kinokonsidera nang impeached sa Kamara si Corona.

Kabilang sa mga reklamo kay Corona ang betrayal of public trust, culpable violations of the constitution, graft and corruption at ang hindi nito pagsusumite ng Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN).

Nagtalu-talo pa ang mga mambabatas matapos hingin ni Rep. Edcel Lagman ang berepikasyon ng 188 na mga lagda na pinakamabilis sa kasaysayan.

Agad naman itong sinagot ni House secretary general Marilyn Yap na nakakita sa paglagda ng mga kongresista.

Bago pa ang plenary session kahapon (Disyembre 12) ay sinabi na ni House Committee on Justice Niel Tupas na maituturing nang impeached sa Kamara si Corona.

Mariing itinanggi ni Deputy House Speaker Crispin Remulla na may marching orders mula kay Pangulong Aquino ang mabilis na impeachment laban sa chief justice.

Nagpahayag naman si Corona sa kanyang mga kritiko na huwag maliitin ang kanyang kakayanan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply