Walang VIP treatment kay CGMA – Robredo

WALANG VIP treatment na ibibigay kay dating pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang inihayag ni Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo kasabay ng pagtiyak na naplantsa na ang seguridad para sa hospital arrest ni Ginang Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Dagdag pa ng kalihim, tatratuhin si Ginang Arroyo ng mga pulis tulad ng pagtratong nararapat para sa isang dating pangulo.

May ilang kahilingan aniya ang kampo ni Arroyo na hindi nila pinayagan dahil sa usapin ng seguridad.

Hindi rin papayagan ang pagluluto sa loob ng presidential suite ng ospital, habang ang doktor na namamahala sa internal medicine ng VMMC ang mangangalaga kay Arroyo pero kung ipipilit nitong gamutin siya ng kanyang mga doktor mula sa St. Lukes, kailangan itong humingi ng clearance mula sa Pasay Regional Trial Court (RTC).

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply