Wanted posters ni Palparan, ikinalat sa Inet

IKINALAT na rin sa social networking sites ang “wanted posters” ni retired Army M/Gen. Jovito Palparan.

Matapos magtago ang opisyal dahil sa kinakaharap na kasong kidnapping at illegal detention, binuo ng grupo ng mga biktima ng human rights violations ang Facebook page para ikalat ang larawan ng puganteng si Palparan.

Ayon kay Cristina Palabay, ang convenor ng End Impunity Alliance, layunin nilang mapalawak ang manhunt laban kay Palparan para sa agaran niyang pagkaaresto.

Si Palparan ay isa sa tinuturong utak sa pagdukot sa dalawang UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño noong taong 2006.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply