Warrant of arrest vs Palparan inilabas ng korte

INILABAS na ng Malolos Regional Trial Court (RTC) sa lalawigan ng Bulacan ang warrant of arrest laban kay retired Major General Jovito Palparan, kaugnay sa kasong two-counts ng kidnapping at serious illegal detention.

Ang dating heneral ay inaakusahang nasa likod sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noong 2006.

Nadawit din sa kaso sina Lieutenant Colonel Felipe Anotado, Master Sergeant Rizal Hilario at S/Sgt. Edgardo Osorio.

Magugunitang kahapon (Disyembre 19), tinangka ni Palparan na pumuslit palabas ng bansa lulan ng Sea Air sa Diosdado Macapagal International Airport nang ipag-utos ng immigration officers na pababain siya ng eroplano.

Bagama’t nagpaso na ang watchlist order laban kay Palparan, wala pa umanong natatanggap na direktiba ang Bureau of Immigration na ito ay binabawi na.

Sa isang panayam naman, sinabi ni Palparan na nakahanda siyang harapin ang kaso laban sa kanya at iginiit na wala umano siyang balak na tumakas.

Noong nakaraang linggo, hiniling ng isang human rights group sa Department of Justice na mapasailalim sa hold departure order (HDO) si Palparan.

Iginiit ng grupong Karapatan na dapat madagdagan ng HDO ang dating military official para matiyak na hindi ito makatatakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply