Welder pinagselosan, kinatay sa Pasay

NAMATAY Martes ng madaling araw ang isang welder matapos na saksakin ng isang selosong kapitbahay sa Pasay City.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas dakong ala-una ng madaling araw ang biktima na si Jose Bodino, 51, binata, residente Amithyst St., Barangay 180, Zone 19, Maricaban bunga ng isang malalim na saksak sa kaliwang tagiliran.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation and Detective Management Section, ang insidente ay naganap dakong 10:45 ng gabi sa isang karinderya malapit sa Mulawin Basketball Court.

Una nang binalaan ng suspek ang kanyang live-in partner na si Rowena Sobrepeña na tigilan na ang pagsama-sama sa biktima na labis nitong ikinaseselos.

Binantaan ng suspek ang live-in partner na papatayin ang biktima kapag muling nakitang kasama ito.

Nagkataon na nakita ng suspek ang live-in partner at ang biktima na kumakain sa karinderya at walang sabi-sabing inundyan ng saksak gamit ang isang punyal sa kaliwang tagiliran.

Makaraan ang pananaksak, tinangkang tumakas ng suspek pero nasukol ito ng barangay tanod na si Rodolfo Suing at dinala sa himpilan ng pulisya.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong murder kaugnay sa ginawang pamamaslang sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply