Willie Revillame hataw sa Top 10 Showbiz News for 2011

TIYAK na nagsisimula nang mag-isip ang mga patnugot at mga katoto namin sa panulat tungkol sa Top 10 Showbiz News for 2011. Kami man ay ganu’n din.

And so far, ang pinakamalaki at may kabuluhang showbiz development na nakikita namin ay ang pagtatagumpay ng TV5 na tuluyang maagaw si Willie Revillame mula sa ABS-CBN. Conversely, ibig sabihin nito ay nabigo ang ABS-CBN na pabalikin sa poder nila ang kontrobersyal na host– o nabigo ang Kapamilya Network na wasakin ang career ni Willie kung yon ang tunay (pero lihim) nilang intensyon. Put another way, ang ibig sabihin din ng matagumpay na pananatili ni Willie sa TV5 ay matindi na talaga ang clout ni Manny V. Pangilinan bilang may-ari ng nasabing network na nabili n’ya kay Tonyboy Cojuangco.

Tiyak na papasok din sa Top 10 namin ang patuloy na pagtatagumpay ng TV5 na makaakit ng mga artista at talent mula sa ABS-CBN 2 at GMA-7, pati na ang umano’y pagbibigay nito ng P5 billion contract kay Sharon Cuneta.

Ipapasok din namin sa aming Top 10 ang pagbubulgar ni Mo Twister ng umano’y pagpapa-abort ni Rhian Ramos ng baby nila. May impact yon di lang sa respective career nina Mo at Rhian kundi pati sa GMA-7 management, pati na sa iba pang stars and talents ng network.

Nabahiran ang image ng GMA-7 ng pagbubulgar na yon ni Mo kahit na itinanggi na yon ni Rhian. Ang pag-aakusa na yon ni Mo ay siyang dahilan kaya hindi tumuloy si Rhian na maging leading lady ni Dingdong Dantes sa ite-taping pa lang na teleseryeng “Beloved.” Biglang napunta tuloy ang role kay Marian Rivera na siya namang naging dahilan kaya hindi napunta kay Heart Evangelista ang papel na leading lady ni Dingdong.

Ano pa kayang posibleng mangyari sa showbiz na positibo o negatibo na makapangingibabaw sa analysis namin na ang matagumpay na lubusang pagkaagaw ng TV5 kay Willie mula sa ABS-CBN ang pinakamalaking showbiz story ng 2011?

Kung sana ay may balita na tayo na napili na ang Ang Babae sa Septic Tank bilang isa sa nominees sa foreign films category ng Oscar’s sa Hollywood, malamang na yon ang magiging Top 1 story sa Pinoy showbiz news. May nakarating sa aming impormasyon na sa January 24 pa iri-release ng Academy ang napiling nominado sa Oscar’s. Kung mapasama ang Ang Babae sa Septic Tank, sa 2012 list of Top Showbiz News na yon mapabibilang.

Anu-ano na kaya ang nasa listahan ng mga katoto namin sa panulat?

May kagimbal-gimbal pa kayang mangyayari sa showbiz between now and December 31? Pero sana, sa halip na kagimbal-gimbal ay yung nakagagalak ang pumutok na mga balita. Kahindik-hindik na ang nagaganap sa Cagayan de Oro at sa Iligan, kaya di na natin kailangan pa ng anomang karima-rimarim na magaganap sa mga taga-showbiz.

* * *

SA MGA taga-Marikina at mga kalapit na bayan, may regalo sa inyo si Jericho Rosales na tubong Marikina: isang libreng concert sa gabi ng December 23 sa Riverbank Amphitheater.

“Kinse” ang titulo ng solo concert ni Jericho dahil pagdiriwang yon ng ika-15 taon n’ya sa showbiz. At bahagi ng pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo n’ya ang pagri-renew ng kontrata n’ya sa ABS-CBN at sa movie outfit nito, ang Star Cinema. Nakatakda siyang gumawa ng tatlong pelikula rito, may mga bagong endorsements rin siya tulad ng Smart at Vantage Razors, at ni-renew rin siya bilang endorser ng Walker, Natasha, Vaseline, at Advil.

Ilang taon na rin naman ngayon na ang Genesis ni Angeli Pangilinan-Valenciano ang nagma-manage sa career ni Jericho.

Malamang ay may ilang Genesis talents na magge-guests sa concert nito.

Dating nagtitinda ng isda sa palengke si Jericho at ang pamilya n’ya.
Mayamang-mayaman na siya ngayon, of course. Kung ilang bahay na rin naman ang nabili n’ya para sa kanyang mga kapatid. Napakabait n’yang anak at kapatid.

Alam n’yo bang pamangkin n’ya ang guwapong child actor na si John Manalo na teenager na ngayon? Malamang ay mapapabilang din si John sa mga ibi-build up ng ABS-CBN para maging major star na gaya ng kanyang uncle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply