Woods kampeon sa Thousand Oaks event

WINAKASAN ni Tiger Woods ang kanyang pagkauhaw sa korona sa loob ng mahigit dalawang taon matapos ang kanyang nakadidismayang panalo sa Chevron World Challenge kung saan nakadale siya ng one shot at naibuslo ang six-foot birdie putt.

Isang stroke ang lamang kay fellow American Zach Johnson, si Woods ay nagpasabog ng three-under-par 69 sa Sherwood Country Club dahilan upang masungkit ang 95th tournament win niya sa kanyang karera.

Gayunman, ito pa lamang ang kauna-unahan niyang panalo simula nang manalasa sa 2009 Australian Masters.

Ikinatuwa naman ng mga fans ang panalong ito at naniniwala silang simula pa lamang ito ng kanyang muling pananalasa sa larangan ng golf.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply