World Ducati Week 2012 kasado na!

BOLOGNA, ITALY — Itinakda na ng Ducati ang mga araw ng Hunyo 21 hanggang Hunyo 24 bilang opisyal na World Ducati Week sa darating na taon.  Ibinahagi ng Ducati ang magandang balita kasabay ng kanilang press conference para sa kanilang bagong line-up para sa 2012 sa nakaraang Milan International Motorcycle Show.

Magmula pa noong unang World Ducati Week o WDW, libu-libong fans na ng Ducati ang nakikisalo sa mga kasiyahan ng WDW. Ang pagtitipong ginaganap tuwing ikalawa o ikatlong taon ay naging tradisyon na at dahil rito’y nabuhay ang salitang ‘Ducatisti’— ang palayaw ng Ducati at ng maging ng mga nakararami sa mga die-hard fans ng nasabing Italian motorcycle brand.

Katunayan, noong nakaraang WDW noong 2010, 60,000 fans mula sa limang kontinente at 28 bansa ang dumagsa sa Misano Circuit sa Italya upang makibahagi sa mga kasiyahan.

Ayon sa Ducati, ito ang pinakamataas na bilang ng mga bisitang kanilang naitala magmula pa noong 1998, ang taon kung kalian unang inilunsad ang World Ducati Week.

Ayon din sa Ducati, ang WDW ay suportado ng iba’t ibang sektor sa Misano at sa mga karatig-pook nito sapagkat prino-promote nito ang turismo sa rehiyong kung tawaging ng nakararami ay “Motor Vallley” ng Italy.

Para sa karagdagang impormasyon, maglog-in lamang sa www.ducati.com

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply