Wish ni PNoy: Tulong sa Sendong victims

NAKIUSAP si Pangulong Benigno Aquino III sa publiko na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong.

Sa kanyang Christmas message, hinimok ng Pangulo ang lahat na ipadama sa mga biktima ng pagbaha na hindi sila nag-iisa at magbahagi ng tulong para sa kanila.

Ito aniya ang kaniyang tanging hiling ngayong Pasko.

“Kamakailan lamang, sinalanta ng Bagyong Sendong ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa halip na magdiwang sa harap ng masaganang Noche Buena, daan-daang pamilya ang nagsisiksikan pa rin sa mga evacuation center at idaraos ang Pasko na kipkip ang madilim na ala-ala ng trahedya. Ipadama natin sa kanilang hindi sila nag-iisa; tanglawan natin sila ng malasakit at pagmamahal, iparamdam nating kabilang sila sa mas malaking pamilya. Ang tanging hiling ko po sa bawat isa sa inyo: huwag tayong mag-atubiling magbahagi ng ating mga biyaya, huwag tayong magdalawang-isip na maghandog ng mabuting gawa,” ayon sa Pangulo.

Sabi pa ng Pangulo, huwag mawalan nang pag-asa ang mga naghihirap ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply