Yes Pogi pakay ang back-to-back win sa PGC

MAGKAKAALAMAN na kung sino ang tatanghaling kampeon sa pinaka prestihiyosong karera ng taon – ang 39th Edition PCSO Presidential Gold Cup Race na gaganapin bukas (Disyembre 11) sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.

Si 2010 Philippine Sportswriters Association, (PSA) horse-of-the-year Yes Pogi ang magdedepensa ng titulo sa nasabing event kung saan ay P1.5 milyon ang nakataya sa unang kabayong tatawid ng meta.

Masusubukan ang tikas ni Yes Pogi na rerendahan ni veteran jockey Manolito “Butchoy” Daquis kontra mga masbatang kabayo sa event na may distansyang 2,000 meter race.

Sina Yes Pogi at last year’s runner up Righthererightnow ang beteranong kalahok sa nasabing karera habang ang iba ay ngayon lamang tatakbo sa PGC race.

Kahit si Yes Pogi na pag-aari ni Francis Lim ang defending champion ay hindi rin siya pinatok sa karera tips ng programa ng karera dahil isa sa tatlong tipsters ay napisil si Magna Carta na gagabayan naman ni reigning back-to-back PSA jockey-of-the-year Jessie Basilio Guce.

“May magandang tiyempo kasi si Magna Carta sa 2000 meter race kaya marahil duon nagbase ‘yung isang tipster.” paliwanag ni Leopoldo Vicente, karera tiyempista.

Naitala si Yes Pogi nakaraang taon ang 2:08 sa nasabing distansya habang may best time na 2:06 naman si Magna Carta.

Ang ibang kalahok ay sina Cheese Mosa na sasakyan ni star jockey Jonathan Basco Hernandez, Darleb na dadalhin ni many time PSA J-O-Y Pat Ramos Dilema, Gastambide, Carriedo, Well, Well, Well, Tensile Strength, Constatic, Sulong Pinoy, Shining Armour, The Rock at Hari Ng Yambo.

Nakalaan din ang P500,000 sa segundo puwesto habang P250,000 at P125,000 ang iuuwi ng third at fourth placer ayon sa pagkakasunod.

Samantala, ngayong araw pakay kumpletuhin ni rising track star Humble Riches ang lahat ng two-year-old race.

Hindi pa nakakatikim ng talo si Humble Riches sa pitong takbo nito sa aktual races. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply