Zamboanga vice-mayor utas sa pamamaril

PATAY ang isang vice mayor ng Zamboanga Sibugay matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin, na ikinasugat din ng misis nito sa ulat ng pulisya.

Base sa report na ipinarating sa Camp Crame, patay sa pamamaril si Vice Mayor Carlito Bayawa ng bayan ng Siay, Zamboanga Sibugay.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima kasama ang asawa na si Susan  patungo sa isang ATM machine ng Development Bank of the Philippine sa bayan ng Ipil nang lapitan ng salarin at barilin gamit ang isang kalibre 45 pistola.

Nabatid na itinakbo rin sa pagamutan si Susan na nabaril sa may gawing kilili.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Zamboanga Sibugay PNP upang alamin ang motibo sa pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply