‘Di na natuto

IBA talaga ang kinang ng ginto.

Maraming tao ang haharapin kahit pa ang kamatayan makakuha lang ng ginto at ito ang dahilan kung bakit 25 tao naman ang nasawi at may 100 pa ang nawawala nang gumuho ang bahagi nang isang bundok sa bayan ng Pantu-kan sa Compostela Valley noong nakaraang Martes.

Sa mga kabundukan kasi nang Comval nanggagaling ang karamihan sa mga ginto na ibinebenta nang gold traders hindi lang dito sa bansa kundi maging sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Kaya gaya nang gamu-gamo na lumalapit sa lampara sa kabila ng panganib na maaari siyang ma-sunog, ay maraming tao rin ang na-aakit na magpunta roon sa kabila nang peligro ng mga landslide para subukan ang kanilang kapalaran.

Sampung tao rin ang namatay at mahigit 20 pa ang hindi na nakita nang gumuho rin ang isang bahagi ng bundok sa Brgy. Kingking sa bayan din ng Pantukan habang nagmimina rin ng ginto ang mga biktima nitong nakaraang Biyernes Santo.

Bago ang dalawang mga pagguho na ito ay maraming buhay na rin ang naibuwis noong nakaraan pang mga taon dahil din sa parehong mga kadahilanan.

Pero ang kapansin-pansin dito ay wala namang mayamang gold dealer ang kasamang nasasawi tuwing may mga nangyayaring  disgrasya sa mga lugar na kung saan nagmimina ang mga biktima.

Karamihan kasi sa mga financier ng maliliit na minerong ito ay ang mga mayayaman at maiimpluwensyang tao sa lipunan na siya ring gumagawa nang paraan para makapaghukay ang kanilang mga tauhan kahit pa sa iligal na mga pamamaraan.

At siyempre, kapag iligal, hindi sila nagbabayad ng tamang buwis at dahil iligal ay hindi na nila kailangang gumamit ng mga safety gear at tamang pamamaraan sa kanilang pagmimina.

Maliban sa nalalagay sa panganib ang buhay ng mga minero ay nagreresulta rin ito nang walang habas na pagkasira nang kalikasan na siyang dahilan ng pagguho ng mga kabundukan.

Ang masakit pa nito ay tila wala nang sinusunod na batas ang mga tao at sa halip ay ang batas ng baril ang nagingibabaw doon.

Hindi kasi maipatupad ng mga pulis at sundalo ang mga kautu-san gaya nang pagbabawal sa pagmimina sa mga lugar na inirekomenda nang Mines and Geosciences Bureau kasama na nga ang mga lugar kung saan nagkaroon ng landslide.

Ayon kasi sa mga nakausap kong mga sundalo at pulis na na-assign na sa lugar ay pawang mga maimpluwensyang tao gaya nang mga opisyal ng lokal, provincial at national government, military at mga pulis at maging mga New People’s Army (NPA) ang siyang pasimuno sa iligal na mga pagmimina roon.

Tsk! Tsk! Kanya-kanya pala silang teritoryo roon, kaya hindi na tayo magtataka kung patuloy na mauulit ang mga pagguho ng bundok doon na magreresulta sa pagbubuwis ng buhay ng mga kawawang minero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply