‘Economic view’ ni Recto kinontra ng M’cañang

UMALMA ang Malakanyang sa paniwala ng kaalyadong senador na nagsabing humihina ang ekonomiya dahil sa impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.

Mismong si Sen. Ralph Recto ang nagpahayag na humihina at naapektuhan ang ekonomiya ng bansa dahil nawawala ang kumpiyansa ng investors dahil sa nasabing impeachment trial.

Ayon kay Recto, dahil sa gusot sa adminitrasyong Aquino at kay Corona ay lubhang nag-aalala ang mga negosyante na mamuhunan sa bansa.

Sinabi pa ni Recto na lubha siyang nalulungkot sa mga takbo ng pangyayari dahil hindi naman talaga ang administrasyon o ang Korte Suprema ang maaapektuhan ng pagbagsak ng ekonomiya kundi ang taongbayan.

Iginiit ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, kumpiyansa silang walang epekto sa ekonomiya ang mga kaganapan sa Senado.

Ayon kay Valte, nananatili rin silang naka-focus sa pagpapalago ng ekonomiya at patunay dito ang “business as usual” na sistema sa schedule ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply