‘Impeachment’ ‘di na naiintindihan ni Juan

MATAGAL nang pinag-uusapan ang ‘impeachment’, pero sa totoo lang, maraming Juan at Maria ang kulang sa kaalaman kung ano ito.

Sa tri-media (telebisyon, radio at pahayagan), ang prosesong ito ay halos araw-araw na tema ng kanilang balita at talakayan.

Ang nangyaring impeachment kay dating Pangulong Joseph Estrada ay balita sa simula hanggang sa matapos at makulong ito.

Oo, ang maliit na bahagi ng lipunan – ito yaong mga tinatawag na mga elitista –maikukuwento ang buong Erap impeachment.

Pero, hindi ng nakararaming Juan at Maria. Ito’y dahil ang mga ito ay ‘di naiintindidahan ang pakahulugan ng impeachment.

Alam nilang natanggal si Ex. Pres. Estrada pero ‘di nila alam ang buong kuwento sa likod ng kanyang pag-alis sa Palasyo.

Ngayon ay may isinasailalim na naman tayo na mga opisyal ng pamahalaan sa prosesong impeachment sa katauhan ni Chief Justice Renato Corona.

Pero ang nakalulungkot, tila, ‘di gaanong naiintindihan kung bakit si CJ Corona ay nililitis ngayon ng mga kongresista at senador.

Umikot ka sa mga bahay-bahay o sa lansangan at tanungin kung ano ang kanilang komento sa isinasagawang Corona impeachment.

Ginawa ito ng ilang TV at radio reporters at iyon…ang sagot ng mga tinanong ay malayo sa tunay na kahulugan ng impeachment.

Sa madali’t sabi, batid nilang  may nagaganap na Corona impeachment sa Senado, pero tila, sila’y ‘di interesado.

Siguro’y maipaliwanag na lang sa kanila ang kahulugan ng impeachment para sila’y magkaroon ng interes sa pagsubaybay sa paglilitis kay CJ Corona.

Importanteng malaman na ang isinasagawang impeachment ay isang bagay na dapat nilang samahan sa pamamagitan ng pagsubaybay rito.

Kailangan  nilang malaman na sila, bilang bahagi ng sambayanan, ay dapat malaman ang katotohanan sa likod ng paglilitis sa chief justice.

Makialam sa mga nangyayari sa lipunan kung nais nilang mabago ang matagal nang kinabubuwisitang kalakaran sa bansa.

Ito ay ang labis na pagmamalabis at pang-aabuso ng mga nakaupong opisyal ng pamahalaan kaya ‘di makaahon-ahon ang bayan ni Juan sa kahirapan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply