‘Special gun ban’ iminungkahi sa Sinulog

IMINUNGKAHI ng Philippine National Police (PNP) sa Cebu City ang “special gun ban” para sa buong selebrasyon ng kapistahan ng Sinulog sa lungsod.

Ayon kay Cebu City Police Office Chief, Senior Supt. Melvin Ramon Buenafe, kumpiyansa siya na malaki ang maitutulong ng “special gun ban” para mapigilan ang kriminalidad sa panahon ng kapistahan lalo na sa Sinulog Grand Parade.

Ayon kay Buenafe, naantala ang pag-apruba ng Camp Crame sa kanilang hinihiling na “special gun ban” dahil nagsisimula na ngayong araw ang mga aktibidad para sa Sinulog Fiesta.

Kaugnay nito, sinabi ni Buenafe na habang hindi pa naipapatupad ang gun ban sa Cebu City, paiigtingin ng kapulisan ang police visibility laban sa kriminalidad. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply