1.56 milyon Pinoy nabigyan ng trabaho noong 2011

INIHAYAG ni Labor Scretary Roslinda Baldoz na umaabot sa 1.56 milyong Pilipino ang napagkalooban ng trabaho noong nakaraang 2011.

Ayon sa kalihim, ito ay mas mataas ng 3.2% kumapara noong 2010.

Sinabi pa ni Baldoz na umabot din sa 40 milyon ang kabuuang bilang ng mga manggagawa (labor force) kung saan mas mataas ng 2.6 porsyento kumpara pa rin noong 2010.

Nabatid na may 713,000 ang nagkaroon ng bagong trabaho dahil maraming mga manggagawa ang nakapasok sa mga service sector.

Kabilang dito ang agrikultura, pangingsida at forestry sa nakapag-generate ng bagong trabaho na umaabot sa 310,000.

Gayunaman, mataas pa rin ang bilang ng underemployed sa bansa  noong 2011  na may bilang na 401,000 at umabot ito sa kabuuang 7.163 milyon.

Lumalabas naman na 19.3 porsiyento naman ang antas ng underemployed sa bansa.

Umaabot naman sa kabuuang 2.814 milyon ang mga walang trabaho noong 2011 o bumaba ng 45,000 kumpara sa 2.859 milyon noong 2010.

May edad na 15 hanggang 24 taong gulang na hindi nakatapos sa high school at kolehiyo ang karamihan sa walang trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply