1 patay, 1 sugatan sa riding in tandem sa Pasig

ISANG lalaki ang nasawi habang sugatan naman ang isang babae makaraang barilin ng riding in tandem sa Pasig City, umaga ng Lunes, Enero 23.

Nabatid na kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo ng pamamaril kina Rolando Sison, 44, na nasawi at sa sugatang si Elenita Sison, 42.

Ayon sa report ng dzBB, naganap ang insidente sa gas station sa kanto ng Mercedes st at Market Avenue sa Brgy. San Miguel , Pasig City.

Nabatid pa na nagtamo ng mga sugat si Rolando na siyang ikinasawi nito habang ginagamot naman sa Medical City si Elenita.

Binaril ang mga biktima habang sakay ng kanilang Mitsubishi Adventure-type Asian utility ng dalawang magkasakay na lalaki sa motorsiklo.

Nabatid pa sa mga nakasaksi na hindi nila mailarawan ang mga suspek maliban na lamang sa plaka ng motorsiklo na “For Registration.”

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply