1 patay, 2 sugatan sa pananaksak

NAMATAY ang isa sa tatlo nang pagsasaksakin matapos makursunadahan ng isang grupo na nag-iinuman kagabi sa Barangay Fatima sa lungsod ng General Santos.

Ang biktimang namatay ay kilalang isang Carlo Guma, 27, na sinaksak sa kanyang baga habang sugatan naman ang kanyang pamangkin na nakilalang si Jay Guma na nasaksak sa kanyang ulo at kili-kili. Sugatan din ang isang Dondie sa kanyang likuran.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya na pauwi na ang tatlong mga biktima at dumaan umano sila sa plaza ng purok dakong alas-10:00 ng gabi nang bigla na lang silang harangan ng limang  suspek at pinagsasaksak.

Hindi nakayanan ng mga biktima ang limang mga suspek kaya sila tumakbo subalit ‘di nila namalayan na nasaksak ng marami ang kanilang tiyuhin na si Carlo na dahilan sa kanyang agarang pagkamatay.

Sa ngayon ay kilala na ng pulisya ang dalawa sa limang mga suspek at posibleng ngayong araw sila masasampahan ng kaso habang ang iba pang mga suspek ay patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply