1 patay sa road mishap

NAMATAY ang isang lalaki  matapos na masangkot sa banggaan ang isang military truck at isa pang sasakyan sa Barangay San Miguel, bayan ng Bato sa lalawigan ng Camarines Sur kaninang alas-6:00 ng umaga.

Sa inisyal na impormasyon, ang biktima ay nakatayo lamang umano sa tabi ng kalsada ang hindi pa kilalang biktima nang aksidente umano itong mabundol ng isang rumaragasang 6×6 na sasakyan ng militar.

Batay sa ulat, ang biktima ay naipit ng dalawang sasakyan na nagresulta sa agarang pagkamatay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng PNP-Bato hinggil sa nasabing pangyayari. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply