1 patay, 3 sugatan sa pamamaril

ISA ang patay habang tatlo pa ang sugatan sa naganap na pamamaril sa San Andres, Maynila kagabi (Enero 24).

Kinilala ni P/Sr. Insp. Joey de Ocampo ang biktima na si Mark Lester David habang sugatan naman  sina Ryan Canete, youth council chairman, at isang bystander na si Allan Fiola.

Tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na nakilalang miyembro ng Bahala na Gang na si Mico Manansala.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nanonood umano ang mga bitkima ng larong basketball sa  Zafiro st., San Andres, Maynila nang dumating ang suspek sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo saka nagpaulan ng bala sa mga biktima.

May hinala ang otoridad na  away sa  gang ang matibo sa pamamaril ng suspek sa mga biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply