1 utas sa pista ng Sto. Niño sa Caloocan

NAUWI sa madugong trahedya ang selebrasyon ng pista ng Sto. Niño sa Caloocan City makaraang mapatay sa saksak ang isang lalaki habang nasa kritikal na kalagayan ang tatlo pang kainuman nito, ng hindi pa nakikilalang salarin, Linggo ng gabi (Enero 15).

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Joey Raymond Domingo, 33 ng Villa Imelda, Camarin ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa FEU Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Ronald Maturan, 23 habang sa Quezon City General Hospital ginagamot sina Jomer Calzado, 21 at Efren Calzita, 38, pawang kalugar ng namatay.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, nag-iinuman ang mga biktima sa nasabing lugar dahil piyesta nang may maganap na kaguluhan malapit sa mga nag-iinuman.

Lumapit sina Maturan, Calzado at Calzita subalit sinalubong sila ng saksak ng suspek at nang makita ni Domingo ay tinangkang tulungan ang mga kainuman.

Pinagsaksak din ng suspek si Domingo na napuruhan bago tumakas.

Dinala naman ang mga sugatan sa mga nasabing ospital.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis upang makilala ang tumakas na salarin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply