10-anyos nabigti sa pinaglalaruang lubid

DUDA ang Philippine National Police sa Pangsinan kaugnay sa pagkamatay ng isang sampung taong gulang na babae na sinasabing aksidenteng naibigti ang sarili sa pinaglalaruang lubid sa San Carlos, sa ulat ng pulisya.

Base sa report, kinilala ang biktima na si Apple de Vera, Grade 5 student at residente ng Barangay Malakanyang, nabanggit na lungsod.

Nabatid na matapos ang inisyal na pagsisiyasat ay hiniling ng San Carlos PNP sa operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nakabase sa lungsod ng Urdaneta na muling magsagawa ng imbestigasyon.

Hindi umano sila kumbinsido sa salaysay ng ama ng bata lalo na at hindi na inabutang nakasabit sa lubid ang biktima na sinasabing aksidentng nabigti ang sarili.

Nais ding isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima habang nagpapatuloy ang follow-up investigation sa insidente.

Base sa salaysay ng ama ng biktima na si Romeo de Vera, nakita na lamang niya ang anak na wala nang buhay habang nasa loob ng kanilang bahay at nakatali ang leeg sa isang lubid.

Posibleng aksidente raw na naitali sa leeg nito ang lubid dahil mahilig ang anak na maglaro sa pagsabit sa lubid na kung minsan ay ipinapaikot pa sa kanyang katawan.

Nagkataon daw na walang kasama sa kanilang bahay ang anak nang mangyari ang insidente dahilan para hindi ito magawang mailigtas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply