10 bahay gumuho sa landslide sa Cebu City

MAHIGIT sa 10 kabahayan ang nakaranas ng pagguho ng lupa sa Sitio Puti, Brgy. Buhisan, Cebu dahil sa landslide.

Dahil dito, ilang residente na ang sapilitang inilikas ng awtoridad habang hirap na ang mga motorista na dumaan sa mga lansangan sa nasabing lugar na apektado ng landslide.

Mabilis namang rumesponde ang City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) at lokal na pamahalaan sa lugar para tumulong sa paglikas ng mga apektadong residente.

Ang pagguho ng lupa ay bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply