10 landslide prone area tinututukan ng DENR

TINUTUTUKAN ng Mines and Geo-Sciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hindi lamang ang Compostela Valley kundi maging ang mga lugar sa karatig nito.

Ayon kay MGB Director Leo Jasareno may 10 lalawigan pa ang mas peligroso sa landslide kumpara sa Compostela Valley.

Ilan aniya sa mga lalawigan na may pinakamaraming landslide ang Kalinga, Benguet. Apayao, Ifugao, Abra, Marinduque, Catanduanez, Southern Leyte at Nueva Vizcaya.

Ayon kay MGB Dir. Jasareno, palagian umano nilang pinaalalahanan ang mga local government unit na nakakasakop sa lugar na palikasin na ang mga pamilya na sakop ng landslide prone area lalo na tuwing umuulan.

Iginiit ni Jasareno na Hindi sila nagkukulang na paalalahanan ang lokal na pamahalaan ng Compostela Valley.

Sa katunayan aniya, nitong Nobyembre, 2011 lamang ay nagbigay sila ulit ng rekomendasyon na palikasin na ang mga naninirahan sa Napnapan Pantukan. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply