10 senator-judges, ayaw na sa RH bill

HINDI pa man natatapos ang kontrobersiyal na impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona,  mababalot muli ng panibagong isyu ang Senado matapos magpahayag ng pagtutol ang sampung mambabatas sa Reproductive Health Bill.

Ibinulgar ni Senate majority leader Vicente Sotto III na may sampung senador ang “gustong” bomoto laban sa RH bill kaya dalawang mambabatas na lamang ang kulang upang tuluyang maibasura ang panukalang isinusulong ng Palasyo.

Ngunit, ayaw banggitin ni Sotto ang pangalan ng sampung senador upang hindi magapang ng administrasyon na puspusan ang pagsusulong ng RH bill tulad ng impeachment ni Corona.

Inilahad pa ng senador na dati apat na lamang sila nina Senate President Juan Ponce Enrile, Sen. Gregorio Honasan at Aquilino “Koko” Pimentel III na kontra sa RH bill subalit habang tumatagal ang debate sa kapulungan, lalong nadaragdagan ang kanilang bilang.

Sa pagbubukas ng impeachment court bukas, Enero 16, tiyak na muling mababalaho ang pag-usad ng RH bill dahil mauubos ang panahon ng mambabatas sa paglilitis kay Corona.

“Kapag ganyan ang nangyari, hindi na sila puwedeng mag-accuse na dinedelay ko yung bill,” dagdag ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply