10 taong SALN ni Corona hinahanap

PATULOY na kinukwestyon ng prosekusyon ang 10 taon na diumano’y hindi pagsusumite ni  Supreme Court Chief Justice Renato Corona ng kaniyang statement of assets and liabilities and networth (SALN)

Inihayag ito ni Marikina Rep. Ramiro Quimbo, tagapagsalita ng 11-man House prosecution panel sa isinagawang lingguhang Ugnayan sa Batasan.

Kabilang sa reklamo laban kay Corona ay ang patuloy na pagtanggi umano nito na isumite ang kanyang SALN kung kaya hindi matukoy ng mga kongresista kung lumago o hindi ang kanyang ari-arian.

Sa SALN ng punong mahistrado noong 1992, ay nasa P14 milyon ang kanyang ari-arian pero batay sa huling SALN na isinumite niya noong 2002 ay P13 milyon na lamang.

Sinabi ni Quimbo na sa dalawang dokumento pa lamang na inilahad ng prosecution panel ay kaduda-duda na si Corona.

Ani Quimbo, kung maipapakita lamang ni Corona ang kanyang SALN ay masasagot ang katanungan kung paano niya nabili ang penthouse sa isang mamahaling condo na siyang tinitirhan ng punong mahistrado.

“Para malaman natin ang istorya from 13.5 million in 1992 naka-afford siyang makabili ng penthouse,” ani Quimbo.

Nilinaw pa ni Quimbo na hindi lamang nakatuon kay Corona ang panawagan ng prosekusyon na ilabas ang SALN kung hindi sa lahat ng mga mahistrado upang hindi makuwestyon ang kanilang desisyon kaugnay sa mga kasong inilalapit sa kanila.

“Wala nang ibang opisyal mula sa pinakamaliit na driver sa gobyerno ang hindi naglalabas ng SALN, so ano ang pinagkaiba bakit ‘di nila pwedeng ilabas, ang mga mahistrado ang may pinakamalaking dahilan para maglabas ng SALN. Nananawagan kami sa buong hudikatura lalo na sa ating justices na panahon na para ilabas ang kanilang SALN,” giit ni Quimbo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply