10 turista nasagip sa lumubog na motorboat

NAISALBA ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Caticlan ang 12 pasahero kasama ang sampung foreign national na lulan ng lumubog na motorboat kahapon (Enero 26), habang nawawala pa hanggang ngayon ang boat captain matapos mag-island hopping at libutin ang magagandang tanawin sa isla ng Boracay.

Ayon kay PO1 Arthur Iquinia ng PCG, sakay ng bangkang Captain K ang naturang mga pasahero nang mangyari ang insidente sa karagatang sakop ng Barangay Yapak sa naturang isla.

Nabatid na ang mga sakay ng sasakyang pandagat ay mga British at Chinese nationals na kinilalang sina Larry Brader, 28; Yolali Shane, 26; Keerin Belyor, 26; Ian Almor, 29; Nick Hollis, 24; Flower Diconick, 27; Felipa Defonlankey, 26; Peer Carey, 24, William Pien, 29, at Akiko Sakay, 23.

Nanggaling sa isla ang sasakyang pandagat at nirentahan ng mga pasahero nang biglang hambalusin ng malalakas na alon bago tuluyang lumubog.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard sa boat captain na kinilalang si Mr. Rami na residente ng Brgy. Cabangrusan, Nabas, Aklan.

Ang isa nitong crew na si Michael Kuta at ang tour guide na si Jason Cooker ay napabilang naman sa mga nakaligtas.

Una rito, simula pa kahapon ng umaga ay nakararanas na ng masamang panahon ang lalawigan ng Aklan na may dalang malakas na hangin at mga pag-ulan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply