100 Pinoy crew pa sa Italy, parating na bukas

PARATING na bukas sa bansa ang 100 sa 296 na Pinoy crew sa tumaob na cruise ship sa Giglio Island, Tuscany, Italy.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nakaalis na ng Rome ang mga Pinoy crew matapos makakuha ng travel documents mula sa Embahada ng Pilipinas doon at binigyan na rin sila ng tulong ng kanilang employers.

Kasalukuyan namang sumailalim sa proseso ng paglilikas ang iba pa na nasa Gretto, Tuscany patungong Giglio Island.

Tiniyak naman ng kalihim na tatanggap ang mga Pinoy crew ng bayad mula sa kompanyang may-ari ng Costa Concordia cruise ship gaya ng leave pay, sick at injury wages, isang buwang termination pay, bayad sa repatriation expenses at bayad sa kanilang nawalang personal na gamit.

Binanggit ni Baldoz na sa ilalim ng kontrata ng mga Pinoy crew, sakaling hindi sila makapagtrabaho dahil sa pagkasira ng barko ay kailangan silang bayaran ng kanilang mga employer hanggang sa makabalik sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply