100 testigo pinaninindigan ng prosekusyon

NANININDIGAN ang House prosecution panel sa mahigit 100 testigo na kanilang ihaharap sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Iginiit ni prosecution spokesman at Marikina Rep. Miro Quimbo, na pinag-aralan nilang mabuti ang pagtatalaga sa mga testigo.

Ito aniya ay taliwas sa akusasyon ng depensa na pampatagal lang ang mahigit 100 testigo.

Ipinaliwanag pa ni Quimbo na hindi umano sila maghaharap ng testigo na hindi makatutulong sa kanilang panig.

Maliban sa maraming testigo, ipiprisinta rin ng prosekusyon sa impeachment court ang maraming dokumento bilang kanilang ebidensiya.

Matatandaan na ikinagulat ng depensa at maging ni Presiding judge Juan Ponce Enrile ang naturang bilang ng testigo ng prosekusyon.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply