$100K halaga ng equipment at training matatanggap ng PCG

UMAAABOT sa $100,000 halaga ng equipment at training ang matatanggap na tulong ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Estados Unidos upang lalo pang mapagbuti ang seguridad ng mga border sa bansa.

Ayon kay US  Embassy Charge d’ Affaires Leslie Bassett, kabilang sa mga ibibigay sa PCG sa Enero 30 ay ang portable hand-held radios, headsets,carry cases, back-up batteries,control station antennas at multipurpose tent.

Magsasagawa rin ang US ng training exercises sa mga opisyal ng coast guard na binubuo ng mga pagtuturo sa silid-aralan at praktikal na pagsasanay sa seguridad sa mga border.

Opisyal naman umanong bubuksan ni Bassett ang advanced boarding na kurso para sa mga opisyal ng PCG matagpos ang turnover ceremony.

Inaasahan naman na sa pamamagitan ng tulong ng US ay lalo pang mapalakas ang kakayahan ng PIlipinas na mabantayan at masubaybayan ang mga border  at upang maharang ang mga dayuhang nagnanais na umangkin sa mga teritoryo na pag-aari ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply