Enero 6 gawing national legal holiday– Castelo

IMINUNGKAHI ni Quezon City 2nd district Rep. Winston “Winnie” Castelo na ideklarang national legal holiday ang Enero 6 bilang pagbibigay pugay kay Melchora “Tandang Sora” Aquino, na tinaguriang “Mother of the Philippine Revolution.”

Ito ang nakasaad sa House Resolution 1152 ni Castelo bilang pagkilala sa kontribusyon ni Tandang Sora sa Philippine Revolution noong 1896 sa pamamagitan ng paggagamot at pagkupkop sa mga sugatang Pilipinong rebolusyunaryo

Ang petsang Enero 6 ang kaarawan ng nabanggit na bayani na binansagang “Grand Woman of the Revolution” at “Mother of Katipunan.”

Sa Philippine history, hindi hadlang ang katandaan ni Tandang Sra na ay nasa 80-anyos na para tulungan at kupkupin ang mga sugatang rebolusyonaryo sa kanyang tahanan sa Balintawak Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply