Barbosa, Gomez, Paragua balik Pinas na

DUMATING na sa bansa ang tatlong chess grandmasters bitbit ang karangalan sa pakikipagtunggali sa ibayong dagat.

Dumating sina GMs Oliver Barbosa, John Paul Gomez at Mark Paragua lulan ng Malaysian Airline flight 704 dakong 2:05 kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon (Enero 25).

Nabatid na si Barbosa ang tinanghal na kampeon sa malaking torneo sa New Delhi, India matapos ilampaso ang kanyang mga kalaban mula sa iba’t ibang  bansa.

Samantala nakamit naman ni John Paul Gomez ang ikalawang karangalan at napagtagumpayan naman ni Mark Paragua ang ikaapat na puwesto.

Kaugnay nito ipinagmalaki ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president Prospero Pitchay, Jr.  ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng chess lalo’t higit kung mapagtutuunan ito ng pansin.

Pinaghahandaan na rin ni Pichay ang mga susunod na laban ng tatlong chess champion upang lalong makamit ang tagumpay ng Pilipino sa larangan ng chess.

Inihalintulad ni Pichay ang iba pang sports champ na nagtagumpay sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsusumikap at tulong ng pamahalaan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply