David Archuleta pinahanga ang dalawang co-stars niya sa soap

NAPAHANGA agad ni David Archuleta ang kanyang dalawang leading ladies na sina Jasmine Curtis Smith at Eula Caballero sa galing ng American Idol product na si David sa mga mabibigat na drama scenes ng TV5 soap na “Nandito Ako.” Mabilis at walang tigil na iyak ang ginagawa ni David kaya tuwang-tuwa lahat sina Jasmine at Eula. Natuwa rin ang buong production people dahil ang bilis mag-emote ni David kahit first acting job niya ang Nandito Ako.

Pati tuloy ang dalawang leading ladies ay na-inspired kay David na pagbutihin pa ang kanilang acting para lalong mapaganda ang soap.

Iba raw talaga kapag ang actor ay nag-aral sa isang prestigious acting shool sa Los Angeles, California.

Nagkaroon ng personal crash lessons si David sa isang sikat na acting coach mula sa magaling na acting school sa Los Angeles.

Kaya ngayon pa lang ay marami nang excited na mapanood na umaarte si David. Tuwang-tuwa si Sir Perci Intalan na pinili ni David ang TV5 para sa kanyang first acting job.

000

IPINAGMALAKI ni Manilyn Reynes ang kanyang anak na si Kyle, 15, ang panganay na anak nila ni Aljohn Jimenez dahil nagwagi bilang best vocalist sa paligsahan ng rock band recently sa kanilang school, ang San Beda Alabang. Nasa-third year high school ang teenager at hilig talaga ang umawit.

Nang nakausap namin si Mannilyn sa set ng “Daldalita,” nasabi niyang naiyak si Aljohn nang pinapanood ang anak. Kahit ang ama ay di makapaniwala na ganon na kagaling ang anak niya sa pagkanta.

May pagmamanahan naman si Kyle dahil magaling na singer si Manilyn noon pang child actress siya. Kaya attention sa Party Pilipinas, sayang si Kyle kung pakakawalan pa nila.

Ayon kay Mane, pagdating sa pagp-aartista ay hindi nila tinutulak ang kanilang anak. Bagkus, sinusuportahan nilang mag-asawa ang hilig nito at ang kanilang seryosong pag-aaral. May dalawa pang anak na lalaki si Mane na magaling ding kumanta.

Sa huling Linggo ng Daldalita, mas nakaiintrigang revelation ang mapanonood. Lalong nagiging bibo si Jillian Ward, lalo’t turning 7 na siya. Lalong gumagaling ang bata sa acting.

000

DAHIL sa success ng “Munting Heredera” at magandang suportang ibinibigay ng GMA-7 sa career ni Camille Prats, mananatiling Kapuso siya. Kahit pa raw may mga offer siyang natatanggap sa ngayon.

Maghihintay na lang siya ng next project sa network. Pero kung siya ang tatanungin, gusto niyang magtrabaho nang magtrabaho para makalimutan ang kalungkutang nadama nang pumanaw ang kanyang mister na si Anthony Linsangan last October 2012.

Dalawang linggo na lang ang Munting Heredera, mahihirap na eksena ang ginagawa ni Camille dahil sobra-sobra siyang mahal ni Ryan Sese, ang pangunahing kontrabida ng soap. Gusto siyang makuha nito dahil fatally in love sa kanya ang role nito.

000

HANGGANG katapusan ng “Kokak,” di raw bumisita si Derrick Monasterio kay Sarah Lahbati para manligaw. Ayaw ni Derrick na maka-istorbo sa bumobonggang career ng dalaga.

Pero inamin sa isang interview ni Sarah na totoong nanliligaw si Derrick sa kanya. ‘Yun nga lang, lately ay tumigil para pagbigyan ang kani-kanilang career. Ayaw kasing maka-istorbo ni Derrick sa career ngayon ni Sarah.

Anyway, habang tumatagal ang Kokak, lalong masarap panoorin dahil nabuo na ang pamilya ni Kara.

Dumating na si Gary Estrada, ang kanyang ama, kasama na rin niya ang kanyang inang si Jessa Zaragoza.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply