12 typhoon victims nasiraan na ng bait

UMAABOT na sa 12 katao ang nasiraan ng bait dulot ng matinding depresyon sa kanilang naranasang delubyo sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Nabatid na may 13 iba pa ang nakitaan na nakararanas din ng matinding depresyon na agad nang isinailalim sa gamutan.

Lumalabas sa pag-aaral na bumigay ang isip ng mga biktima dahil sa pangambang hindi na makababawi pa sa kanilang buhay matapos salantain ng bagyong Sendong.

Karamihan kasi sa biktima ng bagyo ang aminadong hindi madali para sa kanila ang magpakatatag dahil malayo pa nilang maabot ang kanilang normal na pamumuhay.

Matatandaan na isang typhoon survivor na kinilalang si Roy Navarro ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg at tiyan sa Cagayan de Oro dahil na rin sa matinding depresyon.

Samantala, tuloy naman sa pagsasagawa ng therapy ang ilang mga guro sa mga batang biktima ng bagyo.

Ito ay upang maisalba ang mga bata sa kanilang mga trauma at takot sa naranasan.

Sa nasabing therapy, hinahayaan ang mga bata na mailabas ang kanilang takot at tensyon sa pamamagitan ng paglalaro, pagpapakuwento sa kanilang naranasan at pagdo-drawing.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply