13 congressmen pa sumuporta sa impeachment complaint

BASE sa ipinalabas na kalatas ng Media Secretariat ng House prosecution team kanina, may tatlumput tatlo (13) pang congressmen kabilang ang dating kaalyansa ni dati at ngayo’y detinadong Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang inihayag ang kanilang suporta sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Renato Corona na may kabuuang bilang ng pro-impeachment lawmakers sa 201.

Noong nakaraang buwan ay may 188 na miyembro ng Kamara lamang ang lumagda sa Articles of Impeachment nang inilatag ito ng House of Representatives sa Senado.

Ang nasabing Articles of Impeachment ay inakusahan si Corona ng betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, at graft and corruption.

Ang bilang ng mga kongresista na lumagda sa reklamo laban kay Corona ay doble pa ito sa kinakailangang sapat na bilang na 95 na lagda o 1/3 ng lahat ng miyembro ng Kamara para umusad sa Senado na magsilbing hurado.

Mula sa three-page motion ng may 13 congressmen, kanilang hiniling ang pagsingit ng kanilang pangalan bilang karagdagang complainants sa  impeachment case laban kay Corona na lilitisin umpisa bukas, Lunes.

Kabilang sa 13 karagdagang complainant ay sina Representatives Erico Basilio Fabian (Zamboanga City), Christopher Co (AKO Bicol Partylist), Dan Fernandez (Laguna), Alfredo Maranon (Negros Occidental), Eric Singson Jr. (Ilocos Sur), Florencio Flores Jr. (Bukidnon), Maximo Rodriguez Jr. (Abante Mindanao Party-List), Jane Castro (Capiz), Al Francis Bichara (Albay), Mark Aeron Sambar (PBA Party-list), Rodolfo Antonino (Nueva Ecija), Emil Ong (Northern Samar), at Antonio Kho (Masbate).

Sina Antonino, Ong, Castro, Kho at Bichara  ay kilala  bilang supporters ni Arroyo. Maging  si Singson,  anak ni dating Deputy Speaker Eric Singson ay kilala ring kaalyado ng dating Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply