13th month pay complaint bumaba noong 2011

BUMABA ang bilang ng mga 13th month pay complaints noong 2011 ayon sa pahayag ng Department of Labor and Employment (Dole).

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, 90.6 porsiyento ang ibinaba ng reklamo ng mga empleyado kaugnay sa hindi pagkakaloob sa kanilang ng kanilang 13th month pay.

Sinabi  ng kalihim na  ang pagbaba ng nasabing bilang ng 13th month pay complaints  ay kredito  sa isang “no-compromise” policy  sa pagsunod sa mga pamantayan ng core labor standards.

“From 564 complaints in 2010, the first year of the Aquino administration, our Dole Call Center received only 55 complaints in 2011, a reduction of 90.6 percent,”  ayon kay Baldoz

Dagdag pa ni Baldoz na ang mga compalints noong 2011 ay mga empleyado mula sa Metro Manila.

Ito rin aniya ay isang patunay lamang na ang mga employer ay sumusunod na sa mga patakaran at panutunan ng Dole partikular na sa pagbabayad ng 13th month pay at iba pang social security services.

Nabatid sa report ng Labor Communications Office  na ang 55 complaints ay natanggap bago ang Disyembre 24, 2011 kung saan deadline para sa pagkakaloob ng 13th month pay ngunit 37 lamang dito ang ikinukonsiderang balidodahil hindi binanggit ng ibang mga complainants ang pangalan ng kanilang employer.

Naresolba naman ang 29 mula sa 37 complaints  sa pamamagitan ng Dole’s mandatory 30-day Single Entry Approach (SEnA) dispute settlement system kung saan tinatawag ang magkabilang panig para sa mediation conference. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply