14 tripulante na nakaligtas sa lumubog na barko kinilala na

NASA mabuting kalagayan na ang 14 na tripulante mula sa lumbog na barkong MV Sun Spirit sa karagatang sakop ng Catanduanes.

Ayon sa Philippine Coast Guard-Catanduanes,  nakilala ang mga tripulante na sakay ng Panamian vessel na sina Soerjanco; Adi Sutrisno, 34; Ali Imron, 28; Tony Liston; Sukardi Sudarto, 45; Zainal Arifin, 47; Godfan
Arif, 37; Mas Ud, 34; Agus Sugiiar, 39; Kushendra, 41; Matt Rohim, 59; Muhayat, 28, pawang mga Indonesians at ang chief engineer ng barko na si Cha Chi Moon, 64; at kapitan nitong si Cheon Eon Park, 64, kapwa mga Korean.

Ang mga ito ay nasa kustodya ng Catanduanes Coast Guard detachment at nakatakdang isailalim sa medical examination.

Ayon sa imbestigasyon ng PCG, naglalayag ang nasabing barko patungo sana sa Shanghai, China mula sa Leyte ngunit bigla itong nagkaaberya kahapon (Enero 22) dahil umano sa maling pagkarga ng buhangin at Iron Ore dahilan upang magdeklara ng abandon ship ang kapitan ng barko.

Masuwerte namang nakaligtas ang mga tripulante bago pa man tuluyang lumubog ang barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply