15 mangingisda minasaker sa Basilan

PATAY ang may 15 mga mangingisda makaraang atakehin ng hinihinalang mga pirata sa lalawigan ng Basilan.

Ayon sa ulat ni Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesman Lieutenant-Colonel Randolph Cabangbang, maliban sa mga nasawi ay tatlong iba pa ang sugatan sa insidente.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa nangyari bagama’t lumulutang umano ang anggulong awayan ng pamilya ang motibo sa pamamaslang.

Ayon pa sa ulat, pawang mga residente ng Pagadian ang mga biktima at lulan ng tatlong bangka nang atakehin ng mga suspek sa bahagi ng Sibago Island, sa silangang bahagi ng Basilan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply